Pagpapatupad ng multidimensional poverty approach, tinalakay ng NEDA sa UNGA Meeting sa NYC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng multidimensional poverty approach para maabot ang Sustainable Development Goals sa 2030 sa isinasagawang UN General Assembly High-Level Week 2023 sa New York City.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, mahalaga ang multidimensional poverty approach para matugunan ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng bansa sa problema sa kahirapan.

Idinitalye rin ni Edillon sa naturang pulong ang pagpapatupad ng  mga hakbang ng pamahalaan para maiayos ang datos at ang pagbuo ng mga polisiya alinsunod sa SDG 2030 ng UN.

Dagdag pa ng opisyal, simula 2015 hanggang 2018, ay ipinatutupad na ng Pilipinas ang multidimensional approach sa edukasyon, health and nutrition, housing, water, and sanitation, at employment.

Bagamat nakaapekto aniya sa pag-abot ng target sa SDG 2030 ang mga hamon ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, tiniyak ng NEDA na mas pinaiigting ng pamahalaan ang mga mekanismo at paggamit ng komprehensibong monitoring system upang matiyak na maabot ng Pilipinas ang target sa 2030 agenda.

Ang UNGA High-Level Week 2023 ay nagsisilbing global platform para sa SDG 2030. Layon nitong wakasan ang 17 problema sa buong mundo kabilang ang kahirapan, inequality, at climate change.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us