Pinakokonsidera ni 1-Rider Party-list Representative Bonifacio Bosita sa Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng exclusive lane para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng EDSA.
Sa deliberasyon ng panukalang budget ng DOTr, natanong ni Bosita ang ahensya kung bukas ba ito sa posibilidad na magtalaga ng motorcycle lane sa EDSA.
Aniya, aabot sa 175,000 na motorsiklo ang dumadaan sa EDSA araw-araw.
Mungkahi nito, ilaan ang 40% ng kabuuang kalsada sa EDSA para sa mga motorsiklo.
“Maaari po pang malaman sa DOTr kung sila po ba ay may balak o maaaring pag-aralan….. kasama ang MMDA para sa posibilidad na maglaan ng exclusive motorcycle lane sa EDSA para sa mga rider na tinatayang 40% at maglaaan naman po ng dalawa o higit pang lanes para sa other vehicles na tinatayang 60%?” dagdag pa ni Bosita.
Ayon naman kay Valenzuela Representative Eric Martinez, sponsor ng budget ng DOTr, bukas ang ahensya sa naturang panukala.
“They are very much willing to study such option,” sabi ni Martinez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes