Hindi nanghihingi ng confidential fund ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay kahit pa sa pagdinig ng kanilang panukalang 2025 National Budget ay iminungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na bigyan sila ng ganitong pondo para mapanindigan ang interes ng ating bansa.
Pero sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na hindi nanghihingi ng confidential fund ang ahensya.
Pinuri naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang DFA para sa posisyon nilang ito.
Ayon kay Pimentel, ang DFA ay isang modelo ng fiscal integrity at dapat itong gayahin ng ibang civilian government agencies.
Sa ngayon, pasado na sa Senate Committee on Finance ang panukalang 2024 budget ng DFA at inendorso na sa plenaryo ng Senado. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion