Puspusan ang kampanya ngayon ng Department of Health (DOH) Davao laban sa dengue lalo na’t naitala ang pagdoble nga bilang ng kaso nito sa buong rehiyon.
Base sa datos ng DOH Davao, naitala ang 116% increase ng kabuuang kaso nito sa Enero hanggang September 9, 2023 na 12,861 mula sa 5,948 na kaso noong 2022.
Tumaas rin ang fatality rate sa 219% o mula sa 16 deaths noong 2022, naitala na ang 51 na namatay dahil sa dengue mula Enero hanggang September ngayong taon.
Pinakamataas na kaso ang naitala sa Davao City na nasa 4,809 cases, pumapangalawa naman ang Davao del Norte na may 2,763 dengue cases; 1,803 sa Davao de Oro; 1,578 sa Davao Oriental, 1,377 sa Davao del Sur at 532 cases sa Davao Occidental.
Dahil dito, muling hinikayat ng opisyal ang publiko, mga local government units at mga paaralan na maging maingat at paigtingin ang pagpapatupad ng 4S laban sa dengue. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao