Ipinaliwanag ni Compostela Valley Representative Maria Carmen Zamora, budget sponsor ng Department of Education (DepEd), kung bakit nagdesisyon ang ahensya na alisin ang ‘Marcos’ sa katagang ‘diktaduryang Marcos’.
Isa ito sa mga paksa ng interpelasyon ni KABATAAN Party-list Representative Raoul Manuel sa pagsalang ng panukalang budget ng Department of Educationa (DepEd) sa plenaryo.
Ayon kay Zamora, ang naturang hakbang ay upang maiakma ang pagtuturo sa bagong Araling Panlipunan curriculum.
Dito, imbes na kada Pangulo nakatuon ang aralin sa historical themes at concepts.
Sabi pa ni Zamora, ano mang aralin o paksa patungkol sa diktadura sa Pilipinas noong 1970’s ay matatalakay pa rin naman ang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. | ulat ni Kathleen Forbes