Temporary re-assignment ng mga tauhan ng PNP sa loob ng election period, aprubado ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipag-coordinate ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC) sa ginawa nilang re-assignment ng kanilang mga tauhan sa kabila ng umiiral na pagbabawal sa paglipat ng mga tauhan ng PNP sa loob ng election period.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo kaugnay paglipat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ng 2,956 tauhan ng PNP na may mga kamag-anak hanggang 4th degree of consanginuity na tatakbo sa Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Fajardo ang mga naturang Police personnel ay na-isyuhan na ng re-assignment orders para maiwasan ang anumang posibleng pang-iimpluwensiya sa halalan.

Ang mga ito ay binigyan ng non-election related na duty hanggang sa matapos ang BSKE.

Una na ring ni-recall ng PNP ang 679 personnel na naka-assign bilang seguridad ng incumbent public officials at pribadong indibidwal.

Sinabi ng PNP chief na committed ang PNP na itaguyod ang isang mapayapa at matapat na halalan, kasabay ng pagbibigay diin na mahalagang panatilihin ng mga pulis ang propesyonalismo at impartiality sa loob ng election period.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us