Phil Army at Phil Air Force, nagsanay sa aeromedical evacuation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsanay sa aeromedical evacuation ang isang Platoon ng Army Aviation Regiment, 5th Infantry Division, 77th Infantry Battalion, at 2nd Regional Community Defense Group.

Bahagi ito ng limang araw na Philippine Army at Philippine Air Force (PAF) Interoperability Exercise (IOX) na isinasagawa sa Headquarters ng 5th Infantry Division, sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ang pagsasanay sa Aeromedical evacuation ay
bilang pang-suporta sa territorial defense, internal security operations, at iba pang ground operations.

Ang Interoperability exercise na sinimulan nitong Lunes ay nilalahukan  836 tauhan ng Philippine Army at Philippine Air Force, sa layong mapahusay ang kanilang kapabilidad, kahandaan, at kakayahang sabayang magsagawa ng operasyon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: 5ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us