20 LEDAC bills, natapos ng Kamara nang 3 buwang mas maaga; 2024 budget pasado na rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mission accomplished!

Ito ang ulat ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga kapwa mambabatas bago tuluyang mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso Miyerkules ng gabi.

Kasunod ito ng pagkakaapruba sa Kamara ng ₱5.768-trillion 2024 National Budget at ng lahat ng 20 LEDAC bills.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Romualdez na sa pamamagitan ng on-time na pagpapasa ng budget ay tinupad ng Kapulungan ang mandato nito na bantayan ang Pambansang Pondo na may mataas na pagkilala sa transparency at diligence.

Masinsinang diskusyon at pagtalakay, partikular sa confidential at intelligence funds, aniya ang ginawa ng Kamara upang masigurong tama at naaayon ang gagawing paggugol sa limitadong pondo ng gobyerno.

“We underscored the need for agencies to abide by the strict accounting and auditing rules governing the handling and release of such funds and emphasized the need to safeguard its efficient and responsible utilization,” ani Romualdez.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang mga kasamahang mambabatas, lalo na ang miyembro ng minority bloc sa kanilang kasipagan at pakiki-isa sa deliberasyon para makamit ang mithiin na maipasa sa oras ang GAB.

“I would also like to acknowledge the contribution of the members of the minority bloc, without which we would not have been able to evaluate, scrutinize, and dissect the national budget and disentangle a number of legislative intricacies that challenge this august chamber every session day. What the minority bloc puts forth unto the process of lawmaking is truly essential and valued,” ayon sa Speaker.

Ipinagmalaki rin ni Romualdez na natapos na nila ang lahat ng 20 LEDAC bills na tatlong buwang mas maaga kaysa sa target schedule.

Pinakahuli rito ang Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform System at ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law.

“We are three months ahead of target… Salamat sa tulong ninyong lahat. Mission accomplished po tayo – tatlong buwan bago matapos ang deadline na napagkasunduan ng Senate, House of Representatives, at Executive Department,” anang House leader.

Kinilala rin si Speaker Romualdez ang mga empleyado ng secretariat at congressional staff sa kanilang pagsusumikap upang magawa ng Kamara ang mandato nito.

Magbabalik sesyon ang Kongreso sa November 6. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us