Posibilidad na maaprubahan ang provisional fare hike sa pampasaherong jeep, nauunawaan ng ilang commuter

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang problema sa ilang pasahero kung maaprubahan ng Land Transportation
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng tranportation groups na ₱1.00 provisional increase sa pasahe sa jeepney sa Metro Manila.

Nakatakda na kasi ngayong araw na mag-convene ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para dinggin na ang mga hirit na taas-pasahe kasama na ang provisional fare hike, dahil pa rin sa walang prenong taas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa may bahagi ng Elliptical Road, karamihan ng mga nag-aabang na pasahero ay nauunawaan ang hirit na taas-pasahe ng mga tsuper.

Kasama na riyan si Nanay Angelita Mendoza na may mga anak daw na driver at talagang batid ang hirap ng mga ito sa pamamasada.

Si Mang Joe, wala ring problema dito dahil totoo naman daw na pataas nang pataas ang presyo ng diesel at kung magkaroon man ng rollback ay katiting lang.

Maging si Gian na isang estudyante, okay lang din magdagdag ng bayad bilang tulong sa mga nahihirapan na ring mga tsuper.

Una nang sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na malaki ang posibilidad na mapagbigyan ang hirit na provisional hike.

Paliwanag ni Chair Guadiz, kokonsultahin pa nito ang National Economic and Development Authority sa pinal na halaga ng provisional hike at kung kailan ito dapat ipatupad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us