Pansamantalang tumutuloy ngayon sa mga evacuation center ang mga pamilyang apektado ng nasusunog na bodega ng hardware at construction materials sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City.
Batay sa pinakahuling datos ng Valenzuela LGU, umabot na sa 118 na pamilya o 503 na indibdiwal ang tumutuloy sa tatlong evacuation center sa lungsod.
Sa bilang na ito, 53 na pamilya o 229 na indibidwal ang tumutuloy ngayon sa A. Mariano Elementary School.
Habang nasa walo na pamilya o 26 indibidwal naman ang kasalukuyang nasa lumang Barangay Hall ng Bagbaguin, at 57 na pamilya o 248 na individual ang nasa Paso de Blas 3S Center.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Task Force Bravo dito sa nasusunog na Herco Trading at patuloy pa rin ang pagresponde ng mga tauhan ng Burea of Fire Protection at mga fire volunteer.
Patuloy pa rin na nagbubuga ng makapal at maitim na usok ang nasusunog na bodega.
Wala pa ring kumpirmadong naiuulat na mga nasaktan sa naturang insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP sa halaga ngpinsala at dahilan ng sunog. | ulat ni Diane Lear