Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasawing uniformed personnel dahil sa pagganap sa tungkulin

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpupugay sa pamilya ng mga nasawing sundalo, kapulisan at iba pang uniformed personnel dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin sa Davao City.

Inaasahang haharap ang pangulo sa 300 benepisyaryo ngayong umaga sa loob ng Dusit Thani Hotel sa lungsod.

Nakatakdang iaabot ng pangulo ang cash assistance, titulo ng lote kasama na ang P450,000 na cash para sa pagapapatayo ng bahay.

Ang naturang benepisyo na ibibigay sa mga pamilyang ay kinuha sa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) ng Department of the Interior and Local Government na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para suportahan ang mga naulilang pamilya ng mga napatay na uniform personnel. | ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us