Pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers, magandang pamasko sa mga Marino — kay Sen. Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Raffy Tulfo na magandang pamasko para sa mga Pilipinong Marino ang pagkakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate Bill 2221 o Magna Carta of Filipino Seafarers Bill.

Kasabay na rin aniya ito ng pagdiriwang ng National Maritime Week.

Kasunod nito, nagpasalamat si Tulfo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa inisyatiba nitong sertipikahang urgent ang nasabing panukalang batas.

Magugunitang lumusot sa Senado ang naturang panukala makaraang makakuha ng 14 na botong pabor, walang kumontra at walang abstention.

Nakasaad sa naturang panukala ang pagtitiyak sa working condition ng mga Pilipinong mandaragat gayundin ang standardization sa terms and condition ng kanilang employment gayundin ay para i-regulate ang operasyon ng mga manning agency at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us