DICT, nangakong tutulong sa pag-iimbestiga at pag-restore ng website ng Philhealth matapos ang nangyaring cyber attack

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Department of Information and Communications Technology na tutulong sa imbestigasyon at sa pagre-restore ng website matapos atakihin ng Medusa ransomware ang kanilang webpage.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, tutulong na sila sa imbestigasyon sa nangyaring cyber attacks sa Philhealth upang maayos na ang kanilang data servers at hindi na lumawak pa ang ma-hack ng naturang cyber group.

Dagdag pa ni Uy, ire-restore din nila ang webpage ng Philhealth upang muli makapaghatid ng serbsiyo sa publiko at hindi na maulit ang ganitong pag-atake.

Sa huli, muli namang nanawagan si Secretary Uy sa iba pang goverment agencies na may mga ksariling webpage na mas higpitan ang server security upang maiwasan ang ganitong klase ng pag-atake ng mga hacker. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us