Muling nanawagan ang Land Transportation Office na maging kalmado sa pagmamaneho upang maiwasan ang pakakaroon ng alitan sa kalsa o road rage.
Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ginawa niya ang naturang paalala dahil sa naitatalang mga road rage kamakailan.
Dagdag pa ni Mendoza, hindi kailanman makakatulong ang init ng ulo sa kalsada dahilan ng pagkakaroon ng ilang insidente.
Samantala, muli namang paalala ni Asec. Mendoza sa mga motorista na palagiang magbaon ng mahabang pasensya upang maiwasan ang alitan sa kalsada at kung maaari ay magbigayan sa lansangan. | ulat ni AJ Ignacio