Pilipinas, hindi naghahanap ng gulo ngunit matatag na dumidepensa sa teritoryo nito — Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na matatag ang posisyon ng Pilipinas na ipaglaban ang teritoryo, karapatan, at interes ng mga Pilipino.

“Kaya sige hindi tayo naghahanap ng gulo, basta gagawin natin, patuloy nating ipagtatanggol ang Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang karapatan ng mga fishermen natin na mangisda doon sa mga areas kung saan sila nangigisda daang-daang taon na.” — Pangulong Marcos.

Pahayag ito ng Pangulo nang hingan ng komento kaugnay sa paglalagay ng boya ng China sa Bajo de Masinloc, na pasok sa Exlusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Sabi ng Pangulo, noong inalis ng PCG ang inilagay na barrier ng China, nasa 164 na tonelada ng isda ang nakuha ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Ito aniya ang mawawala sa Filipino fishermen, kung hindi inalis ang boya.

“Sa isang araw pa lang ‘yon. Iyon ang nawawala sa ating mga fishermen. Kaya hindi naman maari na lalagyan ng barrier na ganoon at maliwanang naman na nasa loob ng Pilipinas ‘yan.” — Pangulong Marcos.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us