Mahigit 4M foreign visitors, naitala ng Department of Tourism

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit 4 milyong foreign visitors ang naitalang bumisita na sa iba’t ibang tourist destinations sa bansa ayon sa pahayag ng Secretary ng Department of Tourism (DOT) na si Sec. Christina Garcia Frasco sa pagdaraos ng Travel Sale Expo 2023 at 1st Global Tourism Conference Trade Fair.

Dito ipinahayag ni Sec. Frasco ang kanyang pag-asa ukol sa patuloy na pag-usbong ng industriya ng turismo sa Pilipinas matapos ang pandemya, na sanhi ng mga pagsisikap ng pamahalaan at suporta mula sa mga international travelers.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOT, naitala ng Pilipinas ang kabuuang bilang na 4,005,465 na mga bisita mula January 1 hanggang September 29, 2023, katumbas ng P316-bilyong kita para sa ekonomiya ng bansa.

Sa tala ng Tourism Department, ang mga turista mula South Korea ang lumitaw bilang pangunahing pinagmulan ng mga foreign visitors, na nag-contribure ng 26.12% ng kabuuang international travellers, kasunod ng USA, Japan, China, at Australia.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Secretary Frasco sa mga manlalakbay sa buong mundo sa kanilang suporta at hinihimok ang lahat na patuloy na ipakita ang kanilang pagmamahal sa Pilipinas.

Dahil ayon sa kalihim, malapit na nitong maabot ang target na 4.8 million foreign visitors para sa taong ito. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us