Sa kulungan ang bagsak ng isang pasahero matapos itong mahulihan ng mga awtoridad ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na itinangkang ipuslit gamit ang isang tea box.
Napag-alaman na marijuana ang laman ng dinadala ng nasabing pasahero matapos makapulot ang isang personnel mula sa Philippine Ports Authority (PPA) ng isang tea sachet.
Ayon sa naging imbestigasyon ng mga awtoridad, kumpirmadong marijuana leaves ang nasabat sa tea box ng nasabing pasahero.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP ang pasahero na humaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Matatandaang noong nakaraang buwan lamang, nakumpiska rin sa isang pasahero sa Lucena Port naman sa Laguna ang isang tube na naglalaman din ng marijuana habang papasok ng passenger terminal building.
Patunay umano ito ayon sa PPA ng kanilang patuloy na kampanya kontra ilegal na droga para sa pagsisiguro na walang makakalusot sa mga pantalan ng anumang uri ng ipinagbabawal na droga. | ulat ni EJ Lazaro