Umakyat na sa 73 ang miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.
Ito’y matapos manumpa bilang bagong miyembro ng partido sina Laguna 1st District Rep. Ma. Ann Matibag at 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante.
Mismong si Lakas-CMD president at Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oath taking ng dalawa.
Kasama rin sa nanumpa bilang dalawang bagong miyembro ng Lakas-CMD sina Liliw Mayor Ildefonso Monleon at Calauan Mayor Roseller Caratihan.
Ayon kay Romualdez, ang kanilang desisyon na umanib sa Lakas-CMD ay nagsisilbing patunay sa magandang track record ng partido sa epektibong pamumuno at hindi natitinag na pagsusumikap para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
“Lakas-CMD remains steadfast in its dedication to nation-building and looks forward to the contributions of these new members in shaping the future of the Philippines. With unity, diversity, and shared values as its cornerstones, Lakas-CMD is poised to continue its legacy of service to the nation,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes