PMA Entrance Examination, dinagsa ng mga aplikante mula sa lalawigan ng Kalinga at karatig lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinagsa ng mga aplikante mula sa lalawigan ng Kalinga at karatig lugar ang Philippine Military Academy PMA Entrance Examination na gaganapin ngayong araw at bukas sa Kalinga State University gym.

Ayon kay Major Jet Tadeo Professor at Instructor ng Philippine Military Academy Baguio City, inaasahang mahigit sa isang libo ang kukuha ng exam ngayong araw at bukas katulad ng mga nagdaang taon ng examination na ginanap sa Kalinga.

Mahigit sa 700 ang nag-apply sa online habang ang iba ay sa pamamagitan ng walk-in exam.

Magugunitang ito na ang pang-apat na taon na kung saan naging regular examination center ang Kalinga matapos aprubahan ng pamunuan ng PMA na gawing isa sa mga examination center ang lalawigan bunga ng kahilingan ng LGU noong 2020. | ulat ni Aquino Perez | RP1 Tabuk

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us