Mga may-ari ng apat na warehouse sa Bulacan, kinasuhan na ng BOC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinasuhan na ng Action Team Against Smugglers (BATAS) ng Bureau of Custom (BOC) ang mga may-ari ng apat na warehouse sa Bulacan na punong-puno ng umano’y imported na bigas.

Kahapon lang pormal na isinampa ang agricultural smuggling cases laban sa kanila.

Sa media forum sa Quezon City, sinabi ni Bureau of Customs Legal Service Revenue Collection Monitoring Group Acting Director William Balayo na tatlo sa apat ay kinasuhan ng economic sabotage.

Agosto 24, nitong taon nang i-raid ang apat na warehouse sa Bulacan kung saan nadiskubre ang 150,000 sako ng imported na bigas na nagkakahalaga ng P519-million.

Tiniyak pa ni Balayo na magpupursige pa ang BOC upang masugpo ang smuggling sa bansa lalo na ang rice smuggling. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us