Halos P11-M shabu, nasabat sa Estancia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 1.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P10.88-milyon ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Tacbuyan, Estancia, Iloilo.

Arestado sa operasyon ng Estancia Municipal Police Station at IPPO-Provincial Intelligene Unit sina Renato Gallardo Jr. alyas Rene Palito, 43 anyos ar residente sang Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City at Lawrence Plasencia, 22 anyos at residente ng Barangay Gogo, Estancia.

Bukod sa bulto-bultong shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang buybust money na P9,000.

Pinuri naman ni Police Regional Office 6 Director Sidney Villaflor ang operating sa units sa matagumpay na operasyon.

Ayon kay Villaflor, sa pagkakumpiska ng mahigit P10-milyon halaga ng shabu, marami na namang buhay ang maisasalba laban sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Sa pagkaaresto ng mga suspek, kasong paglabag sa Republic Act 9165 dahil sa iligal na droga ang kakaharapin ng mga suspek. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us