NHA at San Miguel Corporation, inilunsad ang Smokey Mountain Community Center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkatuwang na inilunsad ng National Housing Authority at San Miguel Corporation ang Better World Smokey Mountain community center sa Tondo, Manila.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pangako ng ahensya sa pagtatayo ng mga tahanan at sustainable communities.

Ang Better World Smokey Mountain ay isang four-storey building na gawa sa container vans at itinayo sa loob ng Smokey Mountain Development Reclamation Project (SMDRP) ng NHA.

Ang community center ay magbibigay sa mga benepisyaryo ng NHA at iba pang residente ng Smokey Mountain ng access sa edukasyon, kabuhayan at mga oportunidad sa trabaho, at social services.

Mayroon din itong 39 na classrooms, dalawang playgrounds, isang cafeteria, study nook, dance studio, computer, arts, music, at training rooms.

Humigit-kumulang 3,490 benepisyaryo ng SMDRP ng NHA at iba pang 1,700 residente ng Maynila ang makikinabang dito.

Ang proyekto ay isang collaborative effort ng NHA, SMC’s San Miguel Foundation at mga non-profit organization tulad ng AHA! Learning Center, Project PEARLS, Sandiwaan Learning Center, Tulay sa Pag-unlad Inc., at Upskills Foundation Inc. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us