Target nang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program sa iba pang rehiyon sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ito’y matapos isagawa ng ahensiya ang pilot launching ng programa sa National Capital Region (NCR) at Caraga Region.
Inanunsyo ito ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa Saturday News Forum sa Quezon City kaninang umaga.
Ang Food Stamp Program ay isang fully digitized program ng DSWD na naglalayong dagdagan ang pagkain ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Php3,000-halaga ng monthly food credits sa kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT).| ulat ni Rey Ferrer