QCPD, nagsampa na ngkaso laban sa Incorporators ng nasunog na MGC Wearhouse Inc. sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga incorporator ng nasunog na MGC Wearhouse, Inc. sa Tandang Sora Quezon City na ikinasawi ng 15 katao.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang isinampa laban kina Catherine Sy; Lina Cavilte; Johanna Cavilte; at Geoffrey Cavilte.

Malugod namang tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagsasampa ng kasong kriminal ng QCPD na hangad ding mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang mga reaponsable.

Umaga noong Agosto 31, 2023, nang mangyari ang sunog sa isang residential unit sa No 68 Kenny Drive, Pleasant View, sa nasabing barangay.

Sa nangyaring sunog, hindi nagawang makalabas ng bahay ang mga 15 okupante na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Natuklasan sa imbestigasyon na ginawang factory at printing house ng MGC Wearhouse, Inc. ang nasunog na residential unit.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us