QC LGU at MMDA, magpapatupad ng dry run ng zipper lane sa Katipunan Avenue bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipatutupad ng QC Local Government Unit at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng zipper lane sa Katipunan Avenue simula bukas, Oktubre 2.

Sa abiso ng QC LGU, partikular na ipatutupad ito sa Southbound lane tuwing rush hour mula 6:30 AM hanggang 8:00 AM tuwing weekdays, maliban kung holidays.

Layon ng bagong zipper lane na mabawasan ang volume ng sasakyan tuwing umaga sa Katipunan Southbound sa may tapat ng Miriam College.

Ang zipper lane ay maaaring gamitin ng mga sasakyang patungong Miriam College.

Samantala, ang entrance ng zipper lane ay makikita sa u-turn slot sa harap ng UP Town Center-Mercury Drug.

Dalawa naman ang exit nito, ang una ay sa harap ng La Vista Subdivision Gate sa Mangyan Street para sa mga patungong Miriam College Gate 5 at 6.

Ang pangalawa naman ay sa harap ng Miriam College Gate 3 sa Katipunan Avenue.

Magtatalaga ang Quezon City at MMDA ng mga traffic enforcer, at maglalagay ng traffic directional signages upang magabayan at umalalay sa mga dumadaang motorista sa Katipunan Avenue. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us