Lalaking nang-harass ng isang truck driver sa Maynila, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kulungan ang bagsak ng lalaking nakunan sa isang viral video na nangha-harass ng isang truck driver sa Road 10 sa Tondo matapos arestuhin ng mga awtoridad ng Manila Police District (MPD).

Kinilala ang supek bilang si Marvin Mangalindan, 23 taong gulang at residente ng Barangay 128, Tondo, Manila.

Arestado ang suspek matapos makatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis mula sa isang concerned citizen na nakakita na gumagawa ito ng gulo sa area ng Mel Boulevard sa Barangay 101, Tondo.

Dito nadatnan ng mga rumespondeng pulis si Mangalindan na sumisigaw nang malakas, nanghahamon, at nagbabantang mananakit pa ng mga tao sa lugar dahil sa armado ito.

Sa pagkaaresto ng suspek, dito na nalaman ng mga awtoridad na ito rin ang suspek sa video na kumakalat sa internet na nakunang nananakit sa isang truck driver habang sinusubukang pagnakawan ang minamaneho nitong trak.

Dito rin nakumpiska sa suspek ang isang improvised firearm at mga live ammunition.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek kabilang ang Alarm and Scandal, paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law, at sa umiiral na gun ban. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us