DHSUD, ipagdiriwang ang National Shelter Month,tampok ang Pambansang Pabahay Program ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan bukas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagdiriwang ng National Shelter Month 2023 sa pakikipagtulungan ng partner-developers at key shelter agencies (KSA).

Itatampok sa pagdiriwang ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

May tema itong “Pambansang Pabahay: Matibay na saligan ng mapayapang pamayanan”.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang pagkakaroon ng disente ngunit abot-kayang mga tahanan ay magbibigay ng katatagan at seguridad sa isang pamilya.

Sa ngayon, nasa 20 proyekto sa ilalim ng “Pambansang Pabahay” ang nasa iba’t ibang yugto ng pagpapaunlad at konstruksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

May inihanda ding mga aktibidad ang DHSUD Regional Offices para sa buong buwan.

Bilang suporta sa National Shelter Month, ang kauna-unahang Philippine Urban Forum ay nakatakda rin sa Oktubre 5 at 6 sa Philippine International Convention Center (PICC).| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us