Mahalagang palakasin ang Reserve Force at Civil Defense Units para sa seguridad ng mga komunidad.
Ito ang binigyang-diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pangwakas na palatuntunan ng 44th National Reservist Week nitong Sabado sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Teodoro kasalukuyang binabago ng Armed Forces of the Philippines ang disenyo ng Reserve Force para maging mas angkop sa pangangailangan ng panahon.
Sa kanyang panig, pinuri naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner ang malaking kontribusyon ng mga reservist sa pagresponde sa mga natural na kalamidad, pagbibigay ng humanitarian assistance, pagsuporta sa Internal security at territorial defense operations.
Patuloy na pinapaunlad ng AFP ang Reserve Force para magkaroon ng mas malawak na papel sa pagtutok ng militar sa external defense. | ulat ni Leo Sarne