Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagkaroon ng grid disturbance sa Luzon kagabi, October 1, na nagresulta ng automatic load dropping (ALD) sa Metro Manila at ilang lalawigan.
Ayon sa NGCP, partikular na naapektuhan ng aberya ang San Jose-Nagsaag 500 kilovolt transmission line 2 at iba pang power plants sa Luzon.
Naibalik din naman aniya ang suplay ng kuryente bandang alas-7:33 kagabi sa mga naapektuhang lugar kasama ang Metro Manila, Cagayan, Kalinga, Apayao, Laguna, Quezon, Batangas, at Camarines Norte.
Sa ngayon, iniimbestigahan na aniya ng NGCP ang puno’t dulo ng grid disturbance. | ulat ni Merry Ann Bastasa