Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na mayroon na ring sariling hotline ang programa nitong Kadiwa.
Kasunod ito ng pakikipag-partner ng DA sa ePLDT para sa pagbubukas ng DA KADIWA Hotline 1381.
Ayon sa DA, sa pamamagitan ng naturang hotline, maaaring ilapit ng publiko ang kanilang mga katanungan sa Kadiwa.
Sa ngayon ay ongoing na ang pilot run ng hotline na bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa