Kasadya sa Diyandi 2023, makulay na isinagawa sa lungsod ng Iligan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makulay na isinagawa ang Kasadya sa Diyandi 2023: Street Dancing and Merry Making Competition noong ika-27 ng Setyembre, 2023.

Isa ito sa mga pinaka-aabangan sa naganap na isang buwang pagdiriwang ng magarbong Diyandi Festival 2023 sa Iligan City.

Ito ay upang ipakita sa madla ang makulay na kultura ng Tri-People o Kristiyano, Muslim, at Lumad na naninirahan sa lungsod ng Iligan sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Kaugnay nito, nagtagisan ng galing sa paghataw ang sampung (10) grupo ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod at karatig-bayan nito.

Samantala, wagi bilang kampeyon ang Tomas Cabili National High School para sa Iligan-Based Category at nakatanggap ito ng P300-K na halaga ng premyo.

Nakatanggap din ng P200-K ang Kiwalan National High School bilang 1st runner-up at P100-K naman para sa Iligan City National High School bilang 2nd runner-up sa nasabing kategorya.

Para sa kategoryang Open-Invitational naman, wagi ang Barangay Gusa, Cagayan de Oro City bilang kampeyon at nakatanggap ito ng premyong naghahalagang P700-K kung saan nakatanggap din ng P300-K ang bayan ng Kauswagan, Lanao del Norte bilang 1st runner-up.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) Regional Office 10, pinagsisikapan nitong gawing isa sa mga pinakatanyag at pinakamahalagang selebrasyon ang Diyandi Festival ng Iligan City sa buong Pilipinas.

Ito rin ang hakbang upang mas lalong makikila ang Iligan City sa buong bansa pati na rin sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapakita ng makulay at masaganang kultura, at mga likas na yaman na mayroon ito sa layuning paunlarin ang larangan ng turismo at ekonomiya ng bansa. | ulat ni Sharid Timhar Habib Majid | RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us