Residential area sa Brgy. Pansol, QC, nasunog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Block 2-B, Kaingin 1, sa Brgy. Pansol, Quezon City ngayong Lunes ng umaga.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog pasado alas-7 ng umaga at iniakyat sa unang alarma bandang alas-8:02 ng umaga.

Naging pahirapan din sa mga bumbero ang pagresponde na pinagdugtong-dugtong na lang ang kanilang water hose dahil sa masikip na daan papasok sa nasunog na lugar.

Tumulong rin ang mga residente na nag-igib at nagsaboy ng timba-timbang tubig.

Bandang 8:43 am nang tuluyang naapula ang sunog at naideklarang fire out.

Sa inisyal namang tala ng BFP, may apat na bahay ang nadamay sa sunog at mayroon ding inisyal na 19 na pamilyang apektado,

Patuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog. | ulat ni Merry Ann Bastasa