Matapos ang ilang taon ng preliminary investigations at court hearings, hinatulan na ng Metropolitan Trial Court – National Judicial Capital Region Branch 24 ng “Guilty beyond reasonable doubt” si Divina Bico Aguilar sa paglabag sa Customs laws matapos magdeklara ng maling laman ng shipment.
Si Aguilar ang siyang may-ari ng Real Mart na nahulihan ng misdeclared na shipment noong June 26, 2020 na unang idineklarang pastry buns ngunit matapos ang inspeksyon ay tumambad ang imported carrots.
Bunsod ng malinaw na paglabag sa Customs regulations, agad nag-isyu ang pamahalaan ng Seizure and Detention Order laban sa nasabing shipment, gayundin ang kaukulang kaso ay isinampa sa may-ari ng Real Mart.
Dito na nga nag-ugat ang desisyon ng korte kung saan hinatulan si Aguilar na makulong ng tatlo hanggang apat na taon. | ulat ni Lorenz Tanjoco