Personal na nagsasagawa ng checking si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga report na ipinararating sa kanyang tanggapan, partikular ang mga may kinalaman sa kapakanan at pangangailangan ng mga magsasaka.
Ayon sa Punong Ehekutibo, nais niyang malaman kung tama ang dumarating na ulat sa kanya sa pamamagitan ng pakikipag-usap mismo sa mga magsasaka.
Hindi aniya siya kuntento sabi ng Pangulo ng hindi niya nakakausap ng personal ang mga magsasaka upang alamin din naman ang pangangailangan ng mga ito.
Kasama sa kanyang kinakamusta sa mga magsasaka sabi ng Chief Executive ay sa kung ano-ano ang problemang kailangang ayusin, estado ng patubig, at ang may kinalaman sa ayuda.
Kailangan talaga, ayon sa Chief Executive, na mayroon siyang “Talk to the People” at ito’y gagawin niya sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng prayoridad ng pamahalaan na makatulong sa mga magsasaka. | ulat ni Alvin Baltazar