Senate President Zubiri, tiniyak na ‘on track’ ang Mataas na Kapulungan sa pagpasa ng panukalang 2024 budget sa Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na matatapos ng Senado ang pag-apruba ng panukalang 2024 national budget sa ikalawang linggo ng Disyembre para malagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago matapos ang taon.

Ayon kay Zubiri, sa pagbabalik sesyon nila sa Nobyembre ay inaasahang maisusumite na ng Kamara sa Senado ang inaprubahan nilang 2024 General Appropriations Bill (GAB) para masimulan na ng Mataas na Kapulungan ang plenary debates.

Sa ngayon kasi aniya kahit naka-break ang sesyon ay tuloy-tuloy ang mga committee hearings para busisiin ang panukalang budget ng bawat ahensya at opisina ng gobyerno.

Ibinahagi pa ng Senate President na base sa kanilang plano ay sa November 10 target masimulan ang plenary debates na tatagal ng dalawang linggo.

Posibleng sa pagtatapos aniya ng Nobyembre ay maaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pondo at maisasalang sa bicameral conference committee meeting sa unang linggo ng Disyembre at target maratipikahan sa December 8 hanggang 10.

Sa ganitong schedule, sinabi ni Zubiri na bago matapos ang taon ay malalagdaan na ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang national budget. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us