PhilHealth, tiniyak na ‘di naapektuhan ng umatakeng ransomware ang kontribusyon ng mga miyembro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi apektado ang datos at kontribusyon ng mga miyembro, matapos ang naging pag-atake ng MEDUSA ransomware sa online system nito.

Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni PhilHealth President at Chief Executive Officer o CEO Emmanuel Ledesma, hindi aniya apektado ang hulog ng kanilang mga miyembro at wala ring naitalang problema sa availment ng kanilang mga benepisyo.

Kasunod nito, nanawagan si Ledesma sa publiko na mag-ingat sa mga malisyosong post na posibleng kumalat sa social media matapos ang ransomware attack.

Dagdag pa niya, sakaling may makitang sensitibong impormasyon na kumalat online ay pwedeng i-report sa kanilang tanggapan para agad na maaksyunan.

Samantala, iniulat ng PhilHealth na maliban sa kanilang corporate website at member portal ay naibalik na rin ang e-claims sa kanilang Sistema. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us