Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia, na kinilalang si Marjorette Garcia.
Ang 32 taong gulang na OFW ay natagpuang patay at may saksak sa mga katawan.
Si Marjorette ay na-deploy sa Saudi noong 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office-Al-Khobar at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Philippine Embassy, pati na sa mga awtoridad kaugnay sa imbestigasyon at dahilan ng pagkamatay ni Marjorette.
Sa ngayon, inaayos na rin ng MWO-Al Khobar at OWWA ang pag-uwi sa bansa ng labi ni Marjorette sa lalong madaling panahon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DMW sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Marjorette, at tiniyak nito ang suporta ngayong gumugulong na ang imbestigasyon. | ulat ni Diane Lear