DSWD, patuloy pa ang pamamahagi ng SLP-cash aid sa mga sari-sari stores, micro rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng cash aid sa sari-sari store owners at micro rice retailers sa bansa.

Ngayong maghapon, nakatuon ang simultaneous payouts ng Sustainable Livelihood Program (SLP) – Cash Assistance sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region (CAR), at MIMAROPA Region.

Mahigit 800 small-scale business owners sa rice trading at selling industry ang nakatanggap ng cash assistance na Php 15,000.

Bukod dito, mayroon pang 116 rice retailers at sari-sari store owners mula sa CAR ang inaasahang makakatanggap pa ng cash assistance habang lima pa sa Marinduque.

Sa hiwalay na payouts sa lalawigan ng Batanes at Cagayan, may 680 magtitinda rin ng bigas ang nabigyan na din ng tulong mula sa pamahalaan.

Ang mga magtitinda ng bigas ay apektado ng Executive Order 39 na nagtatakda ng price cap na Php 41 kada kilo para sa regular-milled rice at Php 45 kada kilo para sa well-milled rice.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us