Ilang delivery riders, umaasang matatanggap na rin ang fuel subsidy mula sa gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa rin ang ilang mga delivery rider na matanggap na ang ₱1,200 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Gaya rin daw kasi ng mga jeepney driver, pinapasan rin ng kanilang hanay ang mataas na halaga ng produktong petrolyo.

Kahit nga raw may ₱2.00 rollback sa gasolina ngayon ay di rin ito masyadong mararamdaman dahil mabigat pa rin ito para sa kanilang mga rider.

Ayon kay Christopher, isang Food Panda rider, hindi naman tumataas ang kanilang delivery fee kaya pahirapan pa rin ang kita sa kanila at kailangan pa rin ang maghapong kayod para may maiuwi sa pamilya.

Dahil dito, umaasa itong agad ring maasikaso na ng pamahalaan ang paghahatid sa kanila ng fuel subsidy.

Ayon nga kay Mang Dione, malaking bagay para sa kanila kung matatanggap ang fuel subsidy dahil katumbas rin ito ng isang linggo nilang panggasolina.

May ilang rider naman na gaya ni Jeric na nakapirma na ng form at hinihintay na lang din na pumasok ang subsidy sa kanyang e-wallet.

Una nang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa LandBank of the Philippines (LBP) para sa tuloy-tuloy at mabilis na pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us