Mas maraming magsasaka, nagbebenta na ng ani sa NFA dahil sa mataas na buying price nito ng palay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Food Authority (NFA) na mas marami nang magsasaka ngayon ang nagbebenta sa kanila ng mga bagong ani kasunod ng pagtatakda ng bagong price range sa pagbili ng palay.

Partikular dito ang ₱23 kada kilo na bagong buying price ng dry palay mula ₱19.

Ilan sa mga lalawigang may magandang bentahan ngayon ng Palay ay ang Capiz at maging sa Palawan.

Una nang sinabi ni NFA Admin Bioco na nasa ₱8.5-billion ang pondong ilalaan ng ahensya para sa pagbili ng palay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Naniniwala rin si Admin Bioco na habang dumadami ang mga magsasakang nagbebenta ng palay sa NFA, ay mas maiaangat na rin ang buffer stock requirement sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us