Ilang mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad na ang ilang mga kumpanya ng langis ng dadag-bawas sa presyo ng produktong petroyo simula ngayong araw, October 3.

Simula kaninang alas-6 ng umaga nagpatupad ang mga kumpanya ng Shell, SeaOil, at Petron gas ng rollback sa presyo ng gasolina kung saan ₱2 sa kada litro nito at ₱0.50 centavos naman sa kada litro ng kerosene.

Habang nasa ₱0.40 centavos naman ang itinaas sa kada litro ng diesel.

Samantala, nagpatupad naman ang kumpanyang Clean Fuel ng kaparehong mga presyo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Ang oil price increase ay bungsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigan merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us