Schools Division Office ng Antipolo, bumuo ng fact finding committee na tututok sa imbestigasyon sa pananakit ng isang guro sa estudyante nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ang Antipolo City Schools Division Office ng isang fact finding team na siyang tututok sa imbestigasyon, hinggil sa nangyaring pananakit ng isang guro ng Peñafrancia Elementary School sa kaniyang grade 5 pupil na nagresulta sa pagkasawi nito.

Ito ang resulta ng isinagawang closed door meeting sa pagitan ng City Schools Division ng Antipolo City at Peñafrancia Elementary School, kaninang umaga.

Ayon kay Atty. Kelvin Matib, Child Protection Specialist ng Antipolo City Schools Division Office, layon ng binuong komite na alamin kung tunay bang sa sampal namatay ang grade 5 na estudyante.

Paliwanag nya, bubuuin ng tatlo hanggang limang tao ang komite na mangangasiwa sa imbestigasyon na sya ring tutukoy sa administratibong pananagutan ng guro. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us