Chair Popoy de Vera, tiniyak na aaksyunan ang mga reklamo sa pagkakasangkot sa anomalya ng ilang CHED commissioner

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera na maaari niyang tanggalin ang mga CHED commissioner na mapapatunayang sangkot sa korapsyon

Sinabi ito ni De Vera matapos maungkat sa budget hearing ng CHED sa Senado ang mga napapabalitang opisiyal ng komisyon na sangkot sa korapsyon.

Kabilang na dito ang mga reklamo ng pagpapatawag ng ilang commissioner ng masyadong maraming board meeting na magastos para state universities and colleges (SUCs), at nangangahulugan ng maraming honoraria para sa members ng board.

Ayon kay De Vera, maglalabas siya ng memorandum kung saan nakasaad ang tamang kilos ng mga chairperson designate sa iba’t ibang SUCs at local universities and colleges (LUCs), at ang hindi sumunod ay maaaring matanggal sa pwesto.

Kahit pa hindi naman tahasang pinangalanan ng mga senador sa pagdinig, itinanggi nina CHED Commissioner Dr. Aldrin Darilag at Dr. Jo Mark Libre na sangkot sila sa anomalya.

Iginiit ni Libre na may ‘organized attack’ na ginagawa laban sa kanya, at katunayan ang SUCs ang nagre-request ng pulong, at lahat din ng biyahe niya ay may official travel request.

Samantala, itinanggi naman ni Darilag ang alegasyon na pinasagot niya sa ahensya ang biyahe ng kanyang asawa sa Canada, at mayroon aniya siyang ebidensya na siya mismo ang bumili ng ticket, at ang pagtungo sa Canada ng kanyang asawa ay isang personal trip. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us