DOTr, tiniyak sa IMO na prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang kabuhayan at kapakanan ng mga marinong Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) sa International Maritime Organization (IMO) na prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang kabuhayan at kapanan ng mga marinong Pilipino.

Ito ay sa katatapos lang nang isinagawang Member State Audit Scheme na ginanap sa Maritime Industry Authority (MARINA) Central Office.

Sa talumpati ni Transportation Secretary Jaime Bautista, sinabi nitong prayoridad ng pamahalaan na isulong ang karapatan at kaligtasan ng mga marinong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas alinsunod sa mga alituntunin ng IMO.

Ayon kay Bautista, ang pakikibahagi ng Pilipinas sa IMO Member State Audit Scheme ay layong mapabuti at gawing epektibo ang pagpapatupad ng mga legislative agenda, at patuloy na naisusulong ang maritime interest ng bansa.

Nauna rito ay nagsagawa ang MARINA, kasama ang IMSAS Technical Working Group, at iba pang stakeholders ng malalim na pag-aaral, inter-agency meetings, mock-audit, at capacity building activity bilang paghahanda sa naturang audit ngayong taon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us