Pagbuo ng batas na magre-regulate sa mga kulto sa Pilipinas, pag-aaralan ni Sen. Risa Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pag-aaralan ng Senado ang posibilidad ng pag-regulate ng mga kulto sa Pilipinas.

Sinabi ito ni Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros sa gitna ng mga isyung iniuugnay sa sinasabing kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), sa Surigao del Norte.

Ayon kay Hontiveros, kabilang ang nasabing batas sa mga kinokonsidera niyang maging rekomendasyon kaugnay ng ginagawang Senate inquiry sa mga human rights violation, na di umano’y ginagawa ng SBSI sa kanilang mga miyembro lalo na sa mga kabataan.

Ipinunto rin ng senador, na hindi tulad sa ibang bansa ay wala pang batas ang Pilipinas na nagre-regulate ng kulto.

Maganda aniyang mapag-aralan ito, upang maiwasan at hindi na maulit ang mga pang aabuso tulad ng mga alegasyong ibinabato sa SBSI.

Tinitiyak naman ng senador, na hindi makakatapak sa right to religion ang bubuuin nilang panukala.

Aniya, bibigyang linaw lang dito ang mga grupong pwedeng ma-characterize bilang kulto, at aaralin kung pwedeng i-apply sa atin ang ‘best practices’ na inilatag ng ibang mga bansa na nagkaroon din ng problema sa mga kulto. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us