Pisong dagdag singil sa pasahe, tanggap ng Jeepney Transport groups

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kuntento ang grupo ng Pasang Masda Jeepney Transport sa ibinigay na Php1 provisional increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mga PUJs.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, malaking tulong na sa kanilang hanay ang piso na dagdag pasahe upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sapat na aniya, ang kikitaing Php 300-400 na maidadagdag sa arawang kita ng mga tsuper.

Humingi naman ng pang-unawa si Boy Vargas ng grupong ALTODAP sa publiko na tatamaan ng dagdag pasahe.

Nagbabala ang Pasang Masda at ALTODAP sa kanilang mga miyembro na huwag munang maningil dahil sa Linggo pa magkakabisa ang dagdag pasahe.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us