DTI, suportado ang rekomendasyon na alisin na ang price cap sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang rekomendasyon na alisin na ang price cap sa bigas.

Sa panayam kay Trade Secretary Alfredo Pascual pagkatapos talakayin ng Senado ang panukalang 2024 budget ng ahensya, nakikita nilang sapat na ang suplay ng bigas sa bansa dahil nag-aani na ang ating mga lokal na mga magsasaka.

Katunayan aniya ay pagdating ng katapusan ng Oktubre ay inaasahang magkakaroon na tayo ng hanggang 76 days na rice supply.

Maliban dito ay nakikita rin aniyang bumababa na ngayon ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.

Pagdating naman sa monitoring ng DTI sa pinatupad na price ceiling, sinabi ng kalihim na lumalabas na 80 to 90 percent ang mga sumunod dito.

Sa ngayon ay pagpupulungan pa kung tuluyan na bang aalisin ang price ceiling at sa huli ay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang magdedesisyon kaugnay nito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us