Naglabas ngayon ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong Jenny.
Ayon sa PAGASA, umiiral ngayon ang Yellow Rainfall Warning sa Zambales (San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo, San Felipe, San Marcelino, San Narciso).
Sa ilalim nito, may banta ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang ulan sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal, Tarlac sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Uulanin din ang mga lalawigan ng Bataan, Pampanga, Cavite, at Batangas.
Dahil dito, patuloy na inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na mahigpit na i-monitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa