24/7 assistance call center para sa mga dayuhang turista, inilunsad ng DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang 24/7 tourist assistance call center para makatulong maisaayos ang mga reklamo at katanungan ng mga dayuhang bisita sa Pilipinas.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, pangunahing problema ito ng mga dayuhang turista na pumupunta sa bansa ay kung paano sila matutulungan na maresolba ang kanilang concerns at makatanggap ng assistance.

Sa nasabing 24/7 tourist assistance call center, maaaring tumawag sa hotline 151-TOUR (151-8687).

Dito ay maaari nang magtanong ang mga turista ukol sa tourism accreditation, reklamo, local destination policies, landmarks, modes of transactions, events o festivals, at travel agencies.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang walong ahente ang fluent sa wikang Ingles at Filipino, ngunit plano ng ahensya na palawigin ang bilang ng mga tauhan nito sa mga susunod na linggo o buwan.

Nilalayon din nitong sanayin ang mga ahente sa wikang banyaga. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us