Mas mahigpit na batas vs. animal cruelty, isinusulong sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ni Senador Grace Poe na bumuo ng isang opisina na magkakaroon ng mas malawak na kapangyarihan na tiyakin ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga hayop sa bansa at magpoprotekta sa kanila laban sa animal cruelty.

Sa inihaing Senate Bill 2458 ni Poe, layong rebisahin ang Animal Welfare Act para mapatatag ang animal welfare standards, policies, rules at regulations at pagpapatupad ng mas mahigpit na parusa sa mga lalabag sa karapatan ng mga hayop.

Sa ilalim ng panukala, layong itatag ang Animal Welfare Bureau na magkakaroon ng city, municipal, provincial, at regional offices at
ipinapanukalang mapasailalim sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Itinatakda rin ng panukala ang pagpapataw ng parusang pagkakaulong ng isa hanggang anim na buwang pagkakakulong at multang mula ₱30,000 hanggang ₱100,000 para sa mga indibidwal na mapapatunayang gagawa ng animal cruelty, maltreatment o anumang ipinagbabawal na gawain sa ilalim nitong ipinapanukalang batas.

Papatawan rin ng parusa ang mga mag-aabandona ng mga hayop, magpapatakbo ng animal facilty ng walang permit, at gagamit sa mga hayop para sa shows, research o scientific purposes ng walang kaukulang permiso.

May probisyon rin tungkol sa pagpaparusa sa mga dog meat trader na katumbas ng ₱5,000 sa kada aso at pagkakakulong ng isa hanggang apat na taon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us